Huwebes, Nobyembre 17, 2016

BUOD NG MENSAHE NG BUTIL NA KAPE


"The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean"
(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

Ang "Mensahe ng Butil ng Kape" ay nagsimula isang araw nang magmaktol ang isang batang lalaki sa kanyang ama habang nagbubungkal ng lupa. Nakaka-inis na raw ang buhay. Binabanggit nito ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin. Ayon pa din sa anak na ito hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap na nararanasan niya.
Niyaya ng ama ang anak sa kusina.  Pinuno niya ng tubig ang tatlong palayok at isinaang sa apoy. Walang salitaan ang mag-ama sa mga oras na iyon . Hindi naglaon, kumulo ang tubig. Sa unang palayok, naglagay ang ama ng carrots. Sa ikalawa, mga sariwang itlog. Sa ikatlo, mga butil ng kape. Hinintay nila ito muling kumulo.
Matapos ang dalawampong minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok. Inalis ang tubig sa unang kaldero at nilatag ang carrots sa mangkok. Ang mga itlog, sa ikalawang mangkok. Ang kape, sa ikatlo.
 Ano’ng nakikita mo, tanong ng ama sa bata. “Carrots, itlog, at kape,” sagot ng anak. Pinalapit niya ang bata, at pinasundot ng tinidor ang carrots, na malambot na. Pinabasag niya ang isang itlog. Pagtalop ng balat, napansin ng bata na hardboiled na ito. At pinaamoy at tinikman niya ang kape. Napangiti ang bata sa bango at sarap nito.


 “Ano ang ibig sabihin nito?” mapagkumbabang tanong ng bata. Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang prseso ng carrot, itlog at butil ng kape. Ipinaliwanag ng ama na ang bawat isa ay nilubog sa kumukulong tubig, sa problema. At bawat isa ay may sariling reaksiyon.
Lumusong ang carrots sa tubig na matigas at matatag, pero umahon nang malambot at malata na kuamakatawan sa kahinaan.  Prinotektahan ng puti at manipis na balat ng   babasaging itlog ang malambot nitong laman, hanggang tumatag at tumigas. Samantala, kakaiba sa lahat ang mga butil ng kape. Nang it ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad dito.


Pinapili ng ama ang anak kung alin ito sa tatlo. Ngumiti ang anak, kasunod ng tugon - " ako ay magiging butil ng kape..." katulad mo mahal na ama.


REPLEKSIYON SA MENSAHE NG BUTIL NA KAPE

"The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean"

(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

Ang buhay ng tao ay maihahaintulad sa kwento ng Butil ng Kape. Ang kumukulong tubig ay sumisimbolo sa mga suliraning kinakaharap ng bawat tao. Samantala ang carrot, ang itlog at ang mga butil ng kape ay siya namang sumisimbolo sa iba't ibang uri ng ta kung papaano nila ito
haharapin at lulutasin.

Karot? 
Karot? Matigas, Matibay at Malakas nung una ngunit nang ito'y mailahok sa mainit at kumukulong tubig naging malambot, mahina at unti-unting nawawala ang kulay. 

Itlog?
Itlog? Malambot ang laman ngunit noong ito ay nailahok sa mainit na tubig naging matigas ang loob nito.

Butil Ng Kape?
Kape? Ang butil ng kape ay matigas ngunit ng ito'y mailahok sa kumukulo at mainit na tubig ito'y natunaw at ang kulay ng butil ng kape ay kumalat at naihalo sa tubig. At yung tubig ay nagkaroon ng kulay at nagkaroon ng masarap na lasa. 

Hindi lahat ng tao ay pare-parehas ang pananampalataya. Hindi lahat ng tao ay kayang lutasin at lampasan ang pagsubok. Iba-iba tayo ng paraan kung paano lutasin ang mga hadlang sa ating buhay. Iba't- iba ang ating mga reaksiyon sa isang problema. May mga mahina at may mga malalakas. Lahat tayo ay may pagsubok kaya nasa sa atin kung paano natin tatatagan ang ating loob. Dapat tayo ay may mga  positibong pananaw at isip tungkol sa buhay. Dapat tayo ay maging responsable sa bawat pag-dedesisyon na ating gagawin upang matamo natin ang tagumpay sa mga pagsubok na ito. 

Para sa akin, haharapin ko ang mga problemang  ito sa pamamagitan ng lakas ng loob at isasapuso ko ang kahit ano mang nakabalakid na problema. Kaya kung ano ang meron kailangan mo itong tanggapin. Haharapin ko ito ng walang takot at pangamba dahil alam ko na kasama ang Diyos at hindi niya tayo pababayaan. Hahaharapin ko ito ng buong tapang para mapagtagumpayan ko ang mga pagsubok na darating pa sa aking buhay.

Kung ikaw ang anak sa kwento, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?