"The Story of a Carrot, Egg, and a Coffee Bean"
(Isinalin sa Filipino ni Willita A.
Enrijo)
Ang buhay ng tao ay maihahaintulad sa kwento ng Butil ng Kape. Ang kumukulong tubig ay sumisimbolo sa mga suliraning kinakaharap ng bawat tao. Samantala ang carrot, ang itlog at ang mga butil ng kape ay siya namang sumisimbolo sa iba't ibang uri ng ta kung papaano nila ito haharapin at lulutasin.
Karot?
Karot? Matigas, Matibay
at Malakas nung una ngunit nang ito'y mailahok sa mainit at kumukulong tubig
naging malambot, mahina at unti-unting nawawala ang kulay.
Itlog?
Itlog?
Malambot ang laman ngunit noong ito ay nailahok sa mainit na tubig naging
matigas ang loob nito.
Butil Ng Kape?
Kape?
Ang butil ng kape ay matigas ngunit ng ito'y mailahok sa kumukulo at mainit na
tubig ito'y natunaw at ang kulay ng butil ng kape ay kumalat at naihalo sa
tubig. At yung tubig ay nagkaroon ng kulay at nagkaroon ng masarap na
lasa.
Hindi lahat ng tao ay
pare-parehas ang pananampalataya. Hindi lahat ng tao ay kayang lutasin at
lampasan ang pagsubok. Iba-iba tayo ng paraan kung paano lutasin ang mga
hadlang sa ating buhay. Iba't- iba ang ating mga reaksiyon sa isang problema.
May mga mahina at may mga malalakas. Lahat tayo ay may pagsubok kaya nasa sa
atin kung paano natin tatatagan ang ating loob. Dapat tayo ay may mga
positibong pananaw at isip tungkol sa buhay. Dapat tayo ay maging
responsable sa bawat pag-dedesisyon na ating gagawin upang matamo natin ang
tagumpay sa mga pagsubok na ito.
Para sa akin, haharapin
ko ang mga problemang ito sa pamamagitan ng lakas ng loob at isasapuso ko
ang kahit ano mang nakabalakid na problema. Kaya kung ano ang meron kailangan
mo itong tanggapin. Haharapin ko ito ng walang takot at pangamba dahil
alam ko na kasama ang Diyos at hindi niya tayo pababayaan. Hahaharapin ko ito
ng buong tapang para mapagtagumpayan ko ang mga pagsubok na darating pa sa
aking buhay.
Kung ikaw ang anak sa
kwento, paano mo haharapin ang hirap ng buhay?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento