"The Story of a
Carrot, Egg, and a Coffee Bean"
(Isinalin sa Filipino ni
Willita A. Enrijo)
Ang "Mensahe ng Butil
ng Kape" ay nagsimula isang araw nang magmaktol ang isang batang lalaki sa
kanyang ama habang nagbubungkal ng lupa. Nakaka-inis na raw ang buhay. Binabanggit
nito ang hirap at pagod na nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.
Ayon pa din sa anak na ito hindi makatarungan ang kaniyang buhay dahil sa hirap
na nararanasan niya.
Niyaya ng ama ang anak sa
kusina. Pinuno niya ng tubig ang tatlong palayok at isinaang sa
apoy. Walang salitaan ang mag-ama sa mga oras na iyon . Hindi naglaon, kumulo
ang tubig. Sa unang palayok, naglagay ang ama ng carrots. Sa ikalawa, mga
sariwang itlog. Sa ikatlo, mga butil ng kape. Hinintay nila ito muling kumulo.
Matapos ang dalawampong
minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok. Inalis
ang tubig sa unang kaldero at nilatag ang carrots sa mangkok. Ang mga itlog, sa
ikalawang mangkok. Ang kape, sa ikatlo.
Ano’ng nakikita mo,
tanong ng ama sa bata. “Carrots, itlog, at kape,” sagot ng anak. Pinalapit niya
ang bata, at pinasundot ng tinidor ang carrots, na malambot na. Pinabasag niya
ang isang itlog. Pagtalop ng balat, napansin ng bata na hardboiled na ito. At
pinaamoy at tinikman niya ang kape. Napangiti ang bata sa bango at sarap nito.
“Ano ang ibig
sabihin nito?” mapagkumbabang tanong ng bata. Nagsimulang magpaliwanag ang ama
tungkol sa dinaanang prseso ng carrot, itlog at butil ng kape. Ipinaliwanag ng
ama na ang bawat isa ay nilubog sa kumukulong tubig, sa problema. At bawat isa
ay may sariling reaksiyon.
Lumusong ang carrots sa
tubig na matigas at matatag, pero umahon nang malambot at malata na
kuamakatawan sa kahinaan. Prinotektahan ng puti at manipis na balat ng
babasaging itlog ang malambot nitong laman, hanggang tumatag at tumigas.
Samantala, kakaiba sa lahat ang mga butil ng kape. Nang it ay mailahok sa
kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang sangkap na magpapatingkad
dito.
Pinapili ng ama ang anak
kung alin ito sa tatlo. Ngumiti ang anak, kasunod ng tugon - " ako ay
magiging butil ng kape..." katulad mo mahal na ama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento